Sabado, Pebrero 4, 2012

Youth

youth o kabataan, pagnagsurvey ako, malamang ang makukuha kong sagoy kung ano ang kabataan ay, basagulero, adik, mabisyo, lokoloko, walang modo, at kung ano ano pang hindi magagandang description sa kanila. pero naisip ba natin yung mga istorya ng buhay nila kung bakit sila nagkaganon bago natin sila sabihan nito. kaya ngayon nais kong mabago ang mga taong humusga sa mga kabtaan na hindi muna inaalam ang buhay nila. para din naman sa ibang kabataan, gusto kong maiba ang buhay nyo.

ako si John David Sarmiento Garcia, 14 years old, at eto ang youth life ko.

anak ako ng isang pastor, nakaugalian ko na angmagsimba linggo linggo, sumama sa mga fellowship at kung ano ano pa, pero sa totoo lang ayaw ko talaga, nabobore ako eh. ilang taon din akong ganto, magulo buhay, pati school life napapabayaan, parang isang batang nagsisimba na mukhang iba sa ibang kabataan, pero wala sa loob ang ginagawa, siguro dahil na din sa maraming problemang nangyayari sa buhay naming pamilya noon, kaya hindi kami masyadong nagkakausap at naging resulta nito ang kawalan ko ng gana sa pagaaral. ilang taon pa ang limipas sa miserable kong buhay. napunta kami sa isang church, gaya noon, ganon pa din ang buhay ko, walang patutunguhan, pero nung makilala ko ang isang grupo ng kabataan sa church na iyon, nagsimula akong mag grow at mag mature. hanggang ngayon malayo na ko sa kanila, alam nila na namimiss ko na sila, sobra. alam din nila na sila ang bumago sa buhay ko at sa oamilya ko. masyadong masaya ang nangyari sa buhay ko. sana din ay maranasan ng mga bagong kabataan na ngayon ay kasama na nila ang naranasan ko noon. maranasan din sana iyon ng ibang kabataang nawawala sa tamang daan, hindi man sa pamamagitan nila, kahit sa ibang paraan man lang.

hindi lahat ng kabataang napapariwara ang buhay ay ganoon na sila dahil ginusto nila. masasabi nga nating ginusto nila kasi ginawa nila, pero sana maisip natin kung bakit sila nagkaganon, at makakuha tayo ng ways para maayos yung buhay nila, kahit sa simpleng paraan man lang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento