Lunes, Pebrero 6, 2012

First Time

first time, ang daming first time eh. first kiss, first date, first bf/gf, first fail mo, first success at kung ano ano pang first. pero sa bawat first na dumadating sa buhay mo, ay panibagong experience ang nararanasan mo, at ang bawat isa dito ay tumutulong sayo para maging matatag ka. pano? basahin mo na lang ang karanasan ko sa ilan  sa mga first ko.

isa sa mga first ko ay ang, failure ko sa pagigitara sa harap ng isang congregation isang linggo. napahiya ako kasi, sa halip na ako na may hawak ng gitara ang maging melody ng kanta ay naging melody ang key board. grabe nakakahiya talaga. pero naging hamon ito para magpractice ako ng magpractice. pagkalipas ng isang linggo, ayus na maganda na.

isa pa, nung nagbreak kami ng first gf ko. masakit nung simula, pero natutunan ko na ito ay isang paraan para maging mas matatag ako. alam mo ba, dahil din dito kaya napalapit ako sa mga tunay kong kaibigan at sa crush ko :D. totoo, wag mong isiping isa tong paraan para ma down ka. sabi nga nila be optimistic, at hindi lang gagaan ang loob, mo may matutunan ka pa.

kaya ngayon sana ay mabago na ang tingin natins a mga negative na first time, at para naman sa positive, gawin natin itong inspiration para lumago tayo not emotionally but spiritually. God gave this first time para lumago tayo sa araw araw natin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento