man's best friend, marahil ang papasok sa isip natin ay ang mga cute, mababalbon, matalino, stress reliever at symepre ang mapaglaro nating mga aso. alam ko ang pakiramdam at experience kasi mayroon kaming cute, mabalbon, matalino na aso, at ang pangalan nya ay bubu.
actually, dalawa sila, yung isa, si tutu, sya yung nanay ni bubu, naiwan sya sa orani. tapos lalo akong nagaalala sa kanya kasi may diabetes sya. naawa ako sa kanya, lalo na pagsinusumpong sya, yung tipong gusto ko ng umiyak kasi parang mamamatay na sya tapos, wala kang magawa. grabe hirap ng ganon. pero sa kabila nun lagi syang nagpapasaya samin. kasi sya ang tutu na nagbibigay ngiti samin sa twing nalulungkot kami at may problema kami.
si bubu naman, lumpo sya nung ipinanganak sya eh, pero ngayon kakatakbo na, nagkakarera pa nga kaming dalawa eh. gumaling sya, sa pamamagitan ng therapy, nakakapag-up na nga sya eh. ngayon sya yung nangungunang reason kung bakit kami ngumingiti pag may problema kami kasi nandyan sya. napapsaya nya kami sa simpleng ways na ginagawa nya, tulad ng, paghiga na pagablibag na walang pakialam kahit masaktan sya, yung panahong pinapaliguan mo sya, at ganun na lang ang takot nya sa tubig, simpleng way pero napapasaya nya kami.
marami pa kong gusto sabihin tungkol sa mga best friend namin, pero alam ko na sapat na ito para mahalin natin ang mga alaga nating aso. sila na marahil ang binigay na way ni God satin para maalis ang mga stress natin. subukan lang nating mahalin sila, sigurado ko na mamahalin din nila tayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento