valentines day, ito yung araw na kung tawagin natin ay araw ng mga puso. ito yung araw na napupuno ng pagmamahal ang bawat magkarelasyon, ito din ang araw na isa sa mga pinagiipunan pagkat ito ang araw na ginagastusan natin, para maging espesyal ang araw na ito.
valentines, sinasabi din to as, "will you be my valentines?" which means will you be my date? marami pang meaning ang valentines, at marami pang bagay ang nagaganap sa araw ng valentines. marami ding paghahanda ang ginagawa o inaasikaso bago ito ipagdiwang. ganyan kaespesyal ang valentines. pero ano nga ba talaga ang meaning nito?
ang valentines ay kadalasang dini-define as, araw ng mga puso, pero ano ba talaga ang malalim na kahulugan nito. para sakin ang valentines ay isa sa bawat isang taong araw na kung saan ay ipinapakita natin ang pagmamahal natin sa isang taong espesyal talaga para satin. pero mas maganda kung ipakita natin ang ating pagmamahal sa taong minamahal natin bawat araw, hindi isang araw bawat taon. dahil ang pagmamahal ay walang pinipiling panahon o tao.
ayon sa unang corinto 1:8, matatapos ang kakayahangmagpahayag ng salita ng Diyos, titigil ang kakayahang magsalita sa iba't ibang wika mawawala ang kaalaman, "ngunit ang pag-ibig ay hanggang wakas."
ayon naman sa juan 3:16, gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, "upang ang sinumang" sumampalataya sa Kanya'y hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
hindi ba't ipinapakita dito na dapat tayong magmahal na walang pinipiling sinuman at anung panahon, pagkat ang ating Panginoon ay ganoon na lamang ang pagmamahal sa atin. naniniwala din ako na kapag ginawa natin ito'y, bawat araw ay magiging katulad ng Valentines Day.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento