deserving, syempre ito yung word na nagsasabi na karapatdapat ka sa isang bagay na iyon, o kaya nama'y karangalan. nadidinig din natin ang word na hindi ka deserving, o yung word na sinasabing hindi ka karapatdapat sa isang bagay o karangalan.
ako sa sarili kong karanasan, madalas kong nadidinig ang hindi deserving sa church, sinasabi nila na hindi daw tayo deserving sa pagmamahal ng Diyos, pagkat tayo ay makasalanan. pero sa totoo Sya ang lumpait at bumaba para lang sabihin satin na deserving tayo, at sa isang espesyal na paraan. ibinigay Niya ang buhay Nya para lang sagipin tayo sa siguradong kapahamakan, tanong ko lang yan ba ang hindi deserbing?
sa bahay, most of the time, lalo nung bata pa ko, madalas kong naiisip sa sarili ko na, hindi ako deserving. bakit? mapapatunayan ko sa mga sumusunod na dahilna. una ako ang black sheep sa family, ako ang hindi ganoon ka-spiritually matured, kahit nga sa pagsulat ako ang may pinakapangit, marami pang dahilan sa totoo lang eh. pero minsan kinausap ako ni papa, sinabi nya sakin na naiisip ko ito dahil may mga problema ako kaya hindi naging bukas ang isip ko. sa totoo lang pinagalit ako ni Lord para magkaganon, at sigurado deserving ako dahil pinaisip nya sakin ito at binigyan ng bagong karunungan. ito ba ang not deserving?
kayo na humusga sa mga bagay na nabanggit ko, at sana maiba ang iniisip nyo kung iniisip nyo na not deserving ka. and remember that we are deserving in a very especial way.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento