itong istorya nato, ay maaari kong sabihin na, sa buhay ko din nangyayari, pero clarification, hindi kami nung girl na tinutukoy ko dito.
long distance relationship, tito diba yung relation kung saan malayo ang magkatipan sa isat isa, pero san ba natin madalas nababasa o nakikita to? madalas ko tong marinig sa mga OFW, syempre malayo sila sa mga mahal nila sa buhay, at alam kong sobrang hirap non.
naalala ko tuloy yung kaklase ko, na masasabi ko na ring best friend ko, pag love sya ang madalas kong kausap. napagusapan namin minsan ang long distance relationship. napagkasunduan namin na ang long distance relationship ay mahirap talaga, syempre yung gusto mong makita at makasama araw araw, ay hindi mo makakasama, kasi nga malayo sya.
pero habang naguusap kami, nagulat ako sa pagiging optimistic nya, malayo kasi ako sa crush ko, sya naman malayo sa gf nya. nagulat ako at namangha sa sinabi nya na, maganda din daw ang magkaroon ng long distance relationship, dahil bukod sa nasusubok ang trust, ay nagiging sobrang espesyal ang araw na magkakasama kayo at magkikita, diba, sobrang cool, non, kasi nakahanap ka pa rin ng good side sa isang madalas na itinuturing na bad side. kaya pala kapag nagkikita kami ng crush ko ganon na lang kaespesyal nung araw na yun. kaya pala ganun na lang din ang tuwa ko kapag nakikita ko sya, bukod sa nakakasilay na ko, nagagawa ko pa ang best ko para lalong maging espesyal ang araw na yon.
clarification lang ulit, hindi kami nung crush ko. sana din nabago ng post ko ang tingin nyo sa long distance relationship, oo alam ko mahirap, pero diba maganda din ang mga resulta ng long distance relationship. kayo na lang ang humusga. happy valentines everyone :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento