pride, kapalaluan, masyadong malalim? ito yung word na hindi mo hahayaang babaan ang sarili mo, sa relation ito yung, hindi ikaw ang unang magsosorry kapag may problema.
naalala ko tuloy yung karanasan ko, o mas magandang sabihin ay ang karanasan ng kaibigan ko. nung second year pa lang ako, may kaibigan ako na symepre lagi naman, may relasyon sila. nagaway, hindi nagkibuan at hindi inayos ang relasyon nila dahil ma-pride sila. ang nangyari, nagbreak sila, at hindi lang basta ganon, nagbreak sila ng walang pansinan. tuloy ati ang pagkakaibigan nila nawala. worst thing na pwedeng mangyari sa isang relasyon, at lahat ng nangyari na to ay dahilan sa pride.
sana sa mga may away dyan, lalo na yung mga naghihintayan ng kanya kanyang sorry, eh magkibuan na at magabati na, dahil magsisisi kayo pag di nyo ginawa yan. sa totoo lang. ibahin na natin ang ugali nating ito.
sabi nga sa Bible, ang nagpapakataas ay ibaba at ang nagpapakababa ay itataas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento