prayers, ano ba to? syempre sasabihin ng iba, yan yung way para makausap ang Diyos, tama naman. yan ang reason kung bakit may blessings, tama ulit. pero malamang ang pinakamalalang sagot na makuha mo, yan yung bagay na ginagawa lang ng mga banal, grabe.
pero ang prayers ay isang magandang sandata, bakit kamo, pag nangngailangan ka, kami ako sa sarili ko, through prayers lang, nasasagot. isa pa, pag may test, pray muna, iyun nakakakuha ng matataas na score. nung walang wala kami ng pamilya ko, nagsimula kaming magpray gabi gabi, iyun sunod sunod ang blessings. kapag natatakot ka, pray lang yan. sa lahat yata ng sakit sa buhay ispiritwal natin, prayer ang greatest medicine. sa totoo lang, tama yun.
marami satin, at ibibilang ko na ang sarili ko. madalas hindi tayo nakakapagpray. totoo yan, wag nyo nang i-deny. masakit harapin ang katotohanan, pero totoo.
pero bakit nga ba hindi tayo nakakapagpray. unang dahilan, walang time. sa totoo lang, pagsinabi mong wala kang time, hindi mo gusto. kasi ang priority ang magsasabi kung may time ka o wala, at isa lang ang kahulugan non, ayaw mo lang magpray. pangalawa, hindi nakasanayan, grabe ang babaw ng dahilan, edi sanayin mo. pangatlo, nagtry na noon, pero hindi sinagot. eto lang masasabi ko dyan, may tatlong sagot si Lord sa bawat prayer. una, oo syempre kung oo ibibigay na na yon, pero minsan namimis-understood natin yan, maaring ibinigay nya in other form kasi iyon ang mas makakabuti satin. pangalawa hindi, hindi nya ibibigay kasi sigurado ako na hindi ito makakabuti satin. at pangatlo, maghintay, sabi nga nila there is time for everything, kung hindi pa binibigay, maghintay ka lang, kasi kung para naman talaga sayo, eh hindi nya ipagkakait yan.
sana naman, sa mga makakabasa nito, ay mabago ang pananaw nila sa prayer. itaga nyo to na bato, prayer ang isa sa mga pinakamahalagang factor na kailangan ng isang mabuting kristyano, gawin nyo lang to, tingnan natin kung walang blessings na darating.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento