Lunes, Enero 16, 2012

Kapayapaan

kapayapaan, anu ba talaga ang kapayapaan? ito ba ay makukuha sa pamamagitan ng pagpunta sa tahimik na lugar at walang istorbo. o baka naman ito ay isang drawing kung saan ay walang anumang delubyo karahasang nangyayari sa drawing na iyon. siguro baka ito ay, makikita sa isang taong walang problema at masaya sa buhay, kaya siya ay sinasabing may kapayapaan.

pero ang tunay kapayapaan ay hindi dito nakikita. naalala ko tuloy yung isang kwento. may isang kopetisyon sa pagguhit, at ang tema ay kapayapaan. ang nanalo sa 3rd place ay nagdrawing ng, isang magandang landscape na may may lawa na walang alon, at may isang maliit na bangka ang naglalayag dito. at ito ay pinangalanan nyang "kapayapaan". ang nanalo naman ng 2nd place, ay nagdrawing ng isang baso na may tubig hanggang sa labi nito, ngunit walang tumatapon na tubig. at ito ay pinangalanan nyang "kapayapaan". ang nanalo sa unang pwesto, ay nagdrawing ng isang lugar na, bumabagyo, lumilindol, ang mga puno ay humahalik na sa lupa, dahil sa lakas ng hangin. wala kang makikitang kapayapaan, pero sa isang tabi ng drawing ay mayroong, isang bato na may butas sa gitna, at sa loob ng butas, ay may isang ibon na umaawit.

mga kapatid, ang kapayapaan ay hindi nakikita, kung ang paligid natin ay taimik. ang tunay na kapayapaan ay nakikita kung, ang paligid natin ay madilim at magulo, at sa mga panahong iyon ay doon tayo umaawit ng papuri sa Diyos. iyon ang tunay na kapayapaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento