problems ano nga ba sila at para saan, kung mababasa mo ang tanong na to, syempre iisipin natin na pabigat lang ito, at sakit sa ulo. sa isang banda tama ito at madalas ay ganyan ang iniisip ko tungkol dyan. pero sa isang banda mali ito, at kaya ko itong patunayan
alam nyo ba na ang ating buhay ay maihahambing sa isang magandang kagubatan. at ang magandang kagubatan ay binubuo ng magagandang puno. kasama na sa mga punong ito ang mga problema pagkat bahagi ito ng ating buhay. at madalas ay hindi natin nakikita an ganda ng punong iyon o ng problema, pagkat tutok na tutok tayo dito, at wala tayong ibang makita kundi ang trunk nito, o ang negatibong dulot nito. pero bat di natin sybykang umurong, kahit ilang hakbang lang para makita natin ang ganda ng problema. tandaan natin, hindi ilalagay ng Diyos ang isang puno o problema sa kagubatan o sa buhay natin, kung walang dahilan. everything has a reason. at malalaman natin na kung hindi natin naranasan ang problema na yon, ay malamang hindi natin makaya ang ibang yugto ng buhay, dahil bawat problema na nalalahpasan natin ay lalo tayong lumalakas
payo ko lamang sa inyo, ay maging optimistic, positive thinker. everything has a reason, at ang reason ni God ay hindi makakasama satin. sana ay nabago ko ang tingin nyo sa problema.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento