Lunes, Enero 23, 2012
Pain is a Good Teacher
nagtataka ka ba kung bakit kapag pinapalo tayo ng mga magulang natin ay sinasabi nila na, "kaya kita pinapalo ay dahil mahal kita." parang weird diba, kasi mahal ka nya, pero sinasaktan ka nya. ganun pa man, napansin mo ba na ang pain ang easiest way para matuto ka, kasi kung nasaktan ka dahil ginawa mo yun, syempre hindi mo na uulitin yun. tandaan mo din na kapag nasaktan ka, malamang mali ang ginawa mo. kaya ka din pinapalo o nagpagsasabihan ng mga magulang mo, ay pinapaalala nila sayo na mali ang ginawa mo, at dahil napalo ka nila sa nagawa mo, madadala ka na gawin pa ulit yun. at sa tuwing nakaranas ka ng mapait karanasan, ay natututo ka, at lalong natutuwa ang Diyos sayo, kasi natuto ka sa pagkakamali mo at, umangat ang value mo hindi lang bilang tao at bilang christian, kasi dumaan ka sa karanasan iyon at nalagpasan mo ito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento