Biyernes, Enero 27, 2012

Friends

friends, sino ba sila sa buhay natin. sila siguro yung mga taong tinuturing nating pangalawang pamilya natin, na napagsasabihan natin ng mga bagay na hindi natin masabi lalo na sa mga parents natin. sila siguro yung mga taong nakikiramay sa mga problema mo. sila siguro ang mga taong nandyan at handang magsakripisyo, para sa inyong pagkakaibigan.

pero kung ako ang tatanungin kung, sino ba ang mga taong tinuturing kong best friends at mga taong tunay kong kaibigan. yung mga taong nagbago sa buhay na, sila yung mga taong nagbigay ng magagandang reason sa mga pangit na bagay na nangyayari sa buhay ko. sino sila? sino pa kundi ang mga kabataan ng BLAS. sila yung dumamay sakin nung nangangailangan ako ng encouragements, sila yung mga kaibigan ko na nagbigay ng payo nung nagbreak kami ng ex ko, sila pa nga ang unang nakaalam nun eh. sila din yung mga taonh higit sa lahat, nagpalapit skin kay Kristo, at yung mga taong  laging nandyan kahit malayo na ko sa kanila. sila yung taong handang i-welcome ang kanilang kaibigan na nalayo na bukas ang dalawang kamay. sila ang mga kabataan ng BLAS, na kahit kailan ay mananatili sa puso bilang totoong kaibigan.

sana ay may napulot kayong isang magandang lesson na maari nating isabuhay, lalo na kung may mga alitan tayo o pagkukulang sa mga kaibigan natin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento