sister, ate. sino ba sila? sila ba ang mas nakatatandang babaeng kapatid natin, yup tama syempre ano pa :D. pero ako, hindi lang ganon ang definition ko sa isang ateng mayroon ako.
si ate, sya yung taong masasabi kong mas nakakaintindi sakin, kaysa sa mga friends ko. siya yung taong napagsasabihan ko ng sikreto. sya yung babaeng espesyal sakin, at kahit kailan ayaw kong mawala sya sakin.
naalala ko tuloy nung bata bata pa kami. walang linggong hindi ko sya nakakaaway, kung hindi man kami magaway sa loob ng isang linggo, ba may himala na nun. naalala ko pa non, madaldal pa ko nun, tapos sinasabi ko o pinagkakalat ko yung crush nya. naalala ko pa, syempre dahil alam kong bunso ako, kukulitin ko sya, kasi naniniwala ako na mas iintindihin nya ko, kaso minsan napupuno sya, at nagiging pisikalan na ang away namin. basta napakaraming negative na relation ang meron kami nun ni ate.
pero nagbago lahat yun nung nagsimula syang mag aral sa harris. nung una, tuwang tuwa ako, totoo, ang dahilan? solo ko na yung computer, ang babaw diba? ganun talaga, kasi hindi masyadong maganda ang establishment ng relation namin nun ay siblings. nabago yun nung panahong namimiss ko sya, naghahanap ako ng mapaghihingahan ko ng sama n loob. hinahanap hanap ko sya. kasi nun ko lang nalaman na espesyal pala ang isang ate, ang isang ate na handang makiramay sayo, sa mga panahong nahihirapan ka, sa panahong naguguluhan ka, at sa panahong syempre, pag in love ka XD. pero totoo yan, at napatunayan ko, alam ko mababasa nya to, pero si ate minsan madalas ang nagbibigay ng tip, kung papano ko sya makakusap, alam ko mababasa nilang pareho tong post na to, pero totoo eh. si ate maituturing ko syang unan, na pwede kong iyakan, basta, sya si ate, na sobrang espesyal. bakit ganon, parang naiiyak ako habng pinopost ko to.
kung kayo may alitan kayo sa ate nyo, ayusin nyo, dahil marerealize nyo na sobrang espesyal sila. subukan nyo lang gawin. hindi kayo magsisisi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento