Lunes, Pebrero 20, 2012

Man's Best Friend

man's best friend, marahil ang papasok sa isip natin ay ang mga cute, mababalbon, matalino, stress reliever at symepre ang mapaglaro nating mga aso. alam ko ang pakiramdam at experience kasi mayroon kaming cute, mabalbon, matalino na aso, at ang pangalan nya ay bubu.

actually, dalawa sila, yung isa, si tutu, sya yung nanay ni bubu, naiwan sya sa orani. tapos lalo akong nagaalala sa kanya kasi may diabetes sya. naawa ako sa kanya, lalo na pagsinusumpong sya, yung tipong gusto ko ng umiyak kasi parang mamamatay na sya tapos, wala kang magawa. grabe hirap ng ganon. pero sa kabila nun lagi syang nagpapasaya samin. kasi sya ang tutu na nagbibigay ngiti samin sa twing nalulungkot kami at may problema kami.

si bubu naman, lumpo sya nung ipinanganak sya eh, pero ngayon kakatakbo na, nagkakarera pa nga kaming dalawa eh. gumaling sya, sa pamamagitan ng therapy, nakakapag-up na nga sya eh. ngayon sya yung nangungunang reason kung bakit kami ngumingiti pag may problema kami kasi nandyan sya. napapsaya nya kami sa simpleng ways na ginagawa nya, tulad ng, paghiga na pagablibag na walang pakialam kahit masaktan sya, yung panahong pinapaliguan mo sya, at ganun na lang ang takot nya sa tubig, simpleng way pero napapasaya nya kami.

marami pa kong gusto sabihin tungkol sa mga best friend namin, pero alam ko na sapat na ito para mahalin natin ang mga alaga nating aso. sila na marahil ang binigay na way ni God satin para maalis ang mga stress natin.  subukan lang nating mahalin sila, sigurado ko na mamahalin din nila tayo.

Lunes, Pebrero 13, 2012

Long Distance Relationship

itong istorya nato, ay maaari kong sabihin na, sa buhay ko din nangyayari, pero clarification, hindi kami nung girl na tinutukoy ko dito.

long distance relationship, tito diba yung relation kung saan malayo ang magkatipan sa isat isa, pero san ba natin madalas nababasa o nakikita to? madalas ko tong marinig sa mga OFW, syempre malayo sila sa mga mahal nila sa buhay, at alam kong sobrang hirap non.

naalala ko tuloy yung kaklase ko, na masasabi ko na ring best friend ko, pag love sya ang madalas kong kausap. napagusapan namin minsan ang long distance relationship. napagkasunduan namin na ang long distance relationship ay mahirap talaga, syempre yung gusto mong makita at makasama araw araw, ay hindi mo makakasama, kasi nga malayo sya.

pero habang naguusap kami, nagulat ako sa pagiging optimistic nya, malayo kasi ako sa crush ko, sya naman malayo sa gf nya. nagulat ako at namangha sa sinabi nya na, maganda din daw ang magkaroon ng long distance relationship, dahil bukod sa nasusubok ang trust, ay nagiging sobrang espesyal ang araw na magkakasama kayo at magkikita, diba, sobrang cool, non, kasi nakahanap ka pa rin ng good side sa isang madalas na itinuturing na bad side. kaya pala kapag nagkikita kami ng crush ko ganon na lang kaespesyal nung araw na yun. kaya pala ganun na lang din ang tuwa ko kapag nakikita ko sya, bukod sa nakakasilay na ko, nagagawa ko pa ang best ko para lalong maging espesyal ang araw na yon.

clarification lang ulit, hindi kami nung crush ko. sana din nabago ng post ko ang tingin nyo sa long distance relationship, oo alam ko mahirap, pero diba maganda din ang mga resulta ng long distance relationship. kayo na lang ang humusga. happy valentines everyone :D

Sabado, Pebrero 11, 2012

Nothing

nothing, ano ba yung, nothing, ano pa, edi wala, as in, wala, nothing, none. madalas naisasantabi natin ang nothing, nakakalimutan natin ang salitang wala. pero ano nga ba ang wala.

kanina, sa totoo lang wala akong maisip topic na ipopost ko dito, kaya iyon tinanong ko si papa kung ano ba ang pwede kong ipost, sabi nya, edi wala. natawa ako sa sarili ko kasi, naisip ko lang, wala, as in wala akong ipopost, natawa ako kasi na misunderstood ko yung sinabi ni papa. ang sabi pala nya ay gawin kong topic ang wala. na-shock akong lalo kasi pano ko igagawa ng topic ang wala, pero may natutunan ako eh.

kahit na wala, at sa bawat wala, ay magkakaroon ka at matututo ka pa rin. pruweba? etong post ko, wala akong topic, pero dahil sa wala nagkaroon ako, natuto din ako dahil nalaman ko na ang kahit wala ay meron ka pa rin.

Biyernes, Pebrero 10, 2012

Valentines

valentines day, ito yung araw na kung tawagin natin ay araw ng mga puso. ito yung araw na napupuno ng pagmamahal ang bawat magkarelasyon, ito din ang araw na isa sa mga pinagiipunan pagkat ito ang araw na ginagastusan natin, para maging espesyal ang araw na ito.

valentines, sinasabi din to as, "will you be my valentines?" which means will you be my date? marami pang meaning ang valentines, at marami pang bagay ang nagaganap sa araw ng valentines. marami ding paghahanda ang ginagawa o inaasikaso bago ito ipagdiwang. ganyan kaespesyal ang valentines. pero ano nga ba talaga ang meaning nito?

ang valentines ay kadalasang dini-define as, araw ng mga puso, pero ano ba talaga ang malalim na kahulugan nito. para sakin ang valentines ay isa sa bawat isang taong araw na kung saan ay ipinapakita natin ang pagmamahal natin sa isang taong espesyal talaga para satin. pero mas maganda kung ipakita natin ang ating pagmamahal sa taong minamahal natin bawat araw, hindi isang araw bawat taon. dahil ang pagmamahal ay walang pinipiling panahon o tao.

ayon sa unang corinto 1:8, matatapos ang kakayahangmagpahayag ng salita ng Diyos, titigil ang kakayahang magsalita sa iba't ibang wika mawawala ang kaalaman, "ngunit ang pag-ibig ay hanggang wakas."

ayon naman sa juan 3:16, gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, "upang ang sinumang" sumampalataya sa Kanya'y hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

hindi ba't ipinapakita dito na dapat tayong magmahal na walang pinipiling sinuman at anung panahon, pagkat ang ating Panginoon ay ganoon na lamang ang pagmamahal sa atin. naniniwala din ako na kapag ginawa natin ito'y, bawat araw ay magiging katulad ng Valentines Day.

Huwebes, Pebrero 9, 2012

Deserving

deserving, syempre ito yung word na nagsasabi na karapatdapat ka sa isang bagay na iyon, o kaya nama'y karangalan. nadidinig din natin ang word na hindi ka deserving, o yung word na sinasabing hindi ka karapatdapat sa isang bagay o karangalan.

ako sa sarili kong karanasan, madalas kong nadidinig ang hindi deserving sa church, sinasabi nila na hindi daw tayo deserving sa pagmamahal ng Diyos, pagkat tayo ay makasalanan. pero sa totoo Sya ang lumpait at bumaba para lang sabihin satin na deserving tayo, at sa isang espesyal na paraan. ibinigay Niya ang buhay Nya para lang sagipin tayo sa siguradong kapahamakan, tanong ko lang yan ba ang hindi deserbing?

sa bahay, most of the time, lalo nung bata pa ko, madalas kong naiisip sa sarili ko na, hindi ako deserving. bakit? mapapatunayan ko sa mga sumusunod na dahilna. una ako ang black sheep sa family, ako ang hindi ganoon ka-spiritually matured, kahit nga sa pagsulat ako ang may pinakapangit, marami pang dahilan sa totoo lang eh. pero minsan kinausap ako ni papa, sinabi nya sakin na naiisip ko ito dahil may mga problema ako kaya hindi naging bukas ang isip ko. sa totoo lang pinagalit ako ni Lord para magkaganon, at sigurado deserving ako dahil pinaisip nya sakin ito at binigyan ng bagong karunungan. ito ba ang not deserving?

kayo na humusga sa mga bagay na nabanggit ko, at sana maiba ang iniisip nyo kung iniisip nyo na not deserving ka. and remember that we are deserving in a very especial way.

Martes, Pebrero 7, 2012

High School Life

sabi nila high school life daw ang pinakamasaya. kaya nung gagraduate na ko ng elementary, naisip ko na, YEHEY! high school na ko, mararanasan ko na yung sinasabi nila.

nung finally, first year na ko, hindi ko na-feel ang sinasabi nila kaya naisip ko na lang, yeah right, tama nga ang sinasabi nila, blah blah blah. walang feeling, walang bago, walang kahit ano, walang masayang nangyayari. nung nagsecond eyar na ako, napapatunayan ko, kasi nagkaroon ako ng girl friend, basta, lalong lumitaw ang saya ng high school life. kaso ilang buwan lang ang lumipas, nag-break kami, nanaman, hindi ko nanaman feel ang high school life, hayyy. parang walang katapusang kabagutan ang nararanasan ko nun. pero napatunayan ko din na ang high school life ang sia sa mga pinakamasaya at puno ng experience.lahat din ng experience na to ay ang nagpatatag sakin na harapin ang mga bukas emotionally. masaya ako kasi high school na ko at masasabi kong high school ay puno ng experience at isa sa pinakamasayang yugto ng buhay ko.

sa mga high school students na hindi pa nararanasan ang naranasan at nararanasan ko, patience, dadaanan nyo din ang mga ito at masasabi nyong masaya nga ang high school.

Pride

pride, kapalaluan, masyadong malalim? ito yung word na hindi mo hahayaang babaan ang sarili mo, sa relation ito yung, hindi ikaw ang unang magsosorry kapag may problema.

naalala ko tuloy yung karanasan ko, o mas magandang sabihin ay ang karanasan ng kaibigan ko. nung second year pa lang ako, may kaibigan ako na symepre lagi naman, may relasyon sila. nagaway, hindi nagkibuan at hindi inayos ang relasyon nila dahil ma-pride sila. ang nangyari, nagbreak sila, at hindi lang basta ganon, nagbreak sila ng walang pansinan. tuloy ati ang pagkakaibigan nila nawala. worst thing na pwedeng mangyari sa isang relasyon, at lahat ng nangyari na to ay dahilan sa pride.

sana sa mga may away dyan, lalo na yung mga naghihintayan ng kanya kanyang sorry, eh magkibuan na at magabati na, dahil magsisisi kayo pag di nyo ginawa yan. sa totoo lang. ibahin na natin ang ugali nating ito.

sabi nga sa Bible, ang nagpapakataas ay ibaba at ang nagpapakababa ay itataas.